Sunday, 25 August 2013

Utang Na Loob! Scrap Da Pork!

If I were in Manila, I would definitely join more than a million disgusted Filipinos at tomorrow's march at Luneta Park!  

But I am in Seoul and have to make a living tomorrow, just like the millions of other OFWs around the world, who are just as disgusted as I am about this scam, na nakakasuka talaga.

No wonder all these years tuwing uuwi ako, parang walang kaunlarang nangyayari? With all these good news about the Philippine's GDP growth rates, ang tanong palagi ay "Ito ba ay nararandaman ng ordinaryong Pilipino?"

Halos lahat yatang umuuwing Pilipino ay palaging na-di-disappoint at na-didismaya na ang sumasalubong na tanawin pag galing kang NAIA ay puro squatters area at maduming ilog diyan sa Baclaran at sa Tambo, Paranaque. Diyan ako dati nakatira, sa Tambo. I lived there for more than ten years. I was hoping all these years that I have been away, may makita man lang sana akong pagbabago tuwing umuuwi ako. Pero wala, eh.

At sa sinasabing ten billion pesos na nanikaw sa scam ni Napoles at mga kasabwat niyang mga kongresista, senador at opisyales ng pamahalaan, marahil siguro ang dami nang nagawang development at asenso man lang sana, hindi lang sa Tambo at Baclaran, kung hindi pati siguro sa barangay namin.

Marami akong nakaka-usap at nakikilalang mga OFWs dito sa South Korea na ang mga kuwento ay halos pare-pareho: nagta-trabaho ng marangal para kumita at makatulong sa pamilya. The operative word is...MARANGAL!

Ang mga OFWs dito ay tinitiis ang init tuwing summer at lamig sa winter. Pumapasok kahit may sakit at minsan ay sinisikmura na lang ang pang-aabuso ng employer nila. Yung iba ay hindi pa nasu-suweldohan on time. Hindi nagrereklamo kahit panay overtime at minsan pa nga ay pumapasok kahit Sabado at Linggo, at walang pahinga. Ang iba ay nagpa-part-time work pa para madagdagan ang kita. Ang iba ay nagtitinda ng call cards at kung anu-anong paninda sa Pinoy market sa Hyewha-dong dito sa Seoul tuwing Linggo. Lahat ay ginagawa para kumita ng extra at madagdagan ang ipapadalang pera sa pamilya.

Tapos, yun pala, ang iba diyan, nagpapakasarap lang pala sa pera ng bayan?!

Ten bilyon pesos?!  Baka sobra pa nga diyan ang ninakaw nila kung bilangin natin yung mga scam na hindi natin alam mula sa panahon pa ni Gloria. Isa pa yun. Buhay pa ba siya?

Noong buhay pa si Lola Tinay, when I she was mad, I would hear her exclaim in disgust 'yawa'! (Ilonggo for devil), and 'linti!' (another Ilonggo curse). But these angry words are not enough to vent my anger at what these people have done. Napoles and these so-called congressmen and senators are no different than common thieves. When I was still working in Manila during my junior days, my friend Estrelle and I were in a jeepney when three robbers declared a hold-up. After everyone in the jeepney had contributed to their loot, one of the robbers gave Estrelle back her twenty pesos so that she could have jeepney fare going home. At least, those jeepney robbers had a conscience. Napoles and her fellow kawatans were robbing the country without any guilt nor any thought that perhaps, some poor Filipinos have no money for their medicine, kids' education, or even a few pesos para ipangbili ng bigas.

Ano ang tawag sa mga itong mga walang konsiyensiya o budhi? 

Nagpapakasarap sa kanilang mga malalaking bahay na hindi lang pala isa o dalawang...dosena?

Nagpapaksarap sa kanilang mga magagarang sasakyan na hindi lang pala isa or dalawang....dosena?

Nagpapaksarap kasama ng kanilang mga pamilya? Na yung iba diyan ay hindi lang pala isa o dalawa?

Samantala, tayo mga Pilipino, at tayong mga OFW ay nagpapakahirap kumita para mabuhay. 

Sana nandiyan ako kasama ninyong lahat sa Luneta Park bukas para ipahiwatig kay Pnoy, sa pamahalaan at sa mga politiko na tanggalin na yang pork barrel na yan na pinagmulan ng corruption. Utang na loob, Pnoy, tanggalin mo na yang pork barrel. By the way, binoto kita dito during the overseas absentee voting sa Philippine Embassy in Seoul.

Sana ang lahat ng mga kawatan na yan ay mahuli at makasuhan para maparusahan, maski sila ay mataas na opisyal, kongresista or senador man. Ang kapal ninyo! Yung mga yan, tuwing mababasa ko sa online news, nakakarindi, nakakasuka at nakakasuklam.  Yung ibang senador diyan, minsan, pa-ingles-ingles pa, bobo naman. Alam nating lahat na yung mga senador at kongresistang dating mga artista ay tumakbo dahil laos na. Nananalo lang mga yan dahil kilala sila ng mga botanteng hindi marahil alam kung sino yung binoboto nila. To be fair, merong mga dating mga artista na maganda naman ang performance sa kanilang tungkulin. Pero yung iba diyan, ipakain na yan sa kapwa nilang buwaya sa crocodile farm sa Palawan. Kaya lang baka ma-insulto or ma-food poison pa yung mga reptiles. 

Sa mga nagpasimuno at nag-o-organize ng Million People March, salamat at good luck bukas!

Sa mga kapwa kong Pilipino, makikisama na lang ako sa inyo in spirit bukas kahit wala ako diyan.  
At sa mga kapwa kong OFW, dito sa South Korea at sa ibang sulok ng daigdig, nakiki-isa ako sa inyo sa pagpahiwatig ng mensahe sa gobyerno natin...

UTANG NA LOOB! SCRAP DA DAMN PORK!

No comments:

Post a Comment