Saturday, 20 May 2017

Philippine Television: Ang Pinoy Drama Nga Naman...

A few years back, I expressed my misunderstanding of Korea's first TV drama that was so huge the stars became the first Korean superstars with millions of fans overseas. 

Winter Sonata, the drama, singlehandedly created the Korean Wave, known in Korea as hallyu, that drove Japanese women 'of a certain age' into Korea to visit Nami Island and other locations where the drama was filmed.

Now that I was able to spend time at home in the Philippines and had time to watch the local Philippine dramas on TV, it was time to write what I understood, or misunderstood, about the Filipino telenovelas. 

Sa totoo lang, yung Nanay ko kasi yung mahilig manood. Ako, nakikinood na rin. Ha-ha-ha! At tuwing may hindi ako maintindihan, siyempre, nagtatanong na lang ako. Heto yung mga tanong ko; sana merong makatulong sa pagsagot ng mga ito.

Since ABS-CBN ang palagi niyang pinapanood, heto yung mga drama: Better Half, Wildflower, Ang Probinsyano, Dear Heart, at Love To Last.

Simulan na natin mula sa hapon hanggang gabihan:

                           *   *   *   *   *

THE BETTER HALF

1. Bakit yung lead actor na nakasalamin parang hindi marunong umarte? Siya ay kinasal, na-aksidente, nagka-amnesia, at kinasal uli, pero iisa lang yata yung kanyang expression sa buong maghapon? Naka-amnesia rin yata yung kanyang acting skills.

2. Bakit ang sexy at young-looking pa rin si Carmi Martin?

3. Actually, tulad ng Nanay ko, hindi ko rin maintindihan ang kuwento nito. May lukaret, may martyr na asawa, may nagka-amnesia, may Ingleserang mother-in-law, at may Carmi Martin. Yung role lang yata ni Carmi yung naintindihan ko - at least na gets ko yung mayor na ambisyosa - yan ang marami tayo. 


                            *   *   *   *   *

WILDFLOWER

1. Bakit malakas pa rin si Julio Ardiente, samantalang na-stroke siya pero palagi siyang umiinom ng alak gabi-gabi?  At hindi naman nakikitang umiinom ng gamot?

2. Bakit ang puti pa rin ni Diego (Joseph Marco) samantalang lumaki raw siya sa bukid?

3. Bakit nagpahuli si Jepoy/Madrigal sa opisina ni Julio Ardiente samantalang alam niyang may CCTV?

4. Bakit kailangan mag-suot ng designer clothes gabi-gabi si Emilia samantalang nasa bayan ng Ardiente lamang siya umiikot, at hindi napapadpad sa BGC or Greenbelt?  

5. Bakit naka-americana araw-araw si Mayor at Julio Ardiente samantala ang mayor namin dito naka-t-shirt lang?

6. Saan ba talaga ang Poblacion Ardiente? Gusto ko mag-check-in sa resort ni Ivy Aguas.

7. Si Tirso Cruz ay si Julio Ardiente sa Wildflower; siya rin ang tatay ni Ian Veneracion sa A Love To Last. Ang tanong: nasaan si Nora Aunor?

8. Bakit minsan puti yung buhok ni Tirso, minsan itim?



                          *   *   *   *   *

FPJ's ANG PROBINSYANO

1. Bakit naka-jacket palagi si Cardo? Malamig ba sa kanyang probinsya? O, baka palagi lang siya may lagnat?

2. Halos gabi-gabi na lang pinapa-iyak si Susan Roces. Hindi ba sila naawa sa kanya?



3. Bakit pinatay nila si Agot Isidro?

4. Bakit ganon na lang kahirap hanapin si Joaquin? Hindi ba sila humingi ng tulong sa Globe รณ Smart para ma-triangulate ang signal tuwing tumatawag siya?  Baka puedeng humingi sila ng tulong sa CIA para mahanap si Joaquin.

5. At bakit din palaging naka-jacket si Joaquin? May lagnat din ba siya gabi-gabi?

6. En grande ang kasal ni Cardo at espesyal ang reception. Magkano nga ba talaga ang suweldo niya?


                         *   *   *   *   *

DEAR HEART

1. Pinadala raw si Doctora Guia sa London para mag-aral at magpakadalubhasa ng maraming taon. Bakit wala siyang British accent nang bumalik siya?

2. Tanong ng Nanay ko: saan bumibili ng perlas si Doctora Margaret?

3. Nauna pa yatang nalaman ni Eric Quizon kaysa kay Doctora Guia na anak niya si Heart. Akala ko ba matalino siya kasi doctor siya?

4. Saan yung hospital na Camilos na yan? Ayokong ma-admit diyan at baka lasunin din ako ni Eric Quizon.
        (Best supporting actress si Susan Africa)                           *   *   *   *   *

A LOVE TO LAST

1. Bakit hindi si Joe Mari Chan ang pinakanta ng theme song?

2. Bakit ang ganda-ganda ni Iza Calzado?

3. Sa lahat ng drama, ito lang yata yung may common sense ang mga writers nito. Kaya wala akong ibang tanong kung hindi CONGRATS! sa mga sumusulat nito.

                          *   *   *   *   *

Hayan. Siguro, kung patuloy pa rin ako manonood, mas marami pa akong katanungan. 

Samantala, hanggang dito na la-ang...at hayaan ko na la-ang mag-enjoy ang Nanay ko sa panonood ng kanyang mga telenovela.

1 comment: