Sunday, 27 February 2011

"Hay Naku, OWWA!"

Malungkot man, pero natawa at nainis ako nung nabasa ko itong balita sa Internet  na 'ball caps' lang daw ang kayang ibinigay ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA) sa mga dumating na Pilipinong galing Libya.


Dahil sa kasalukuyang gulo sa Libya, libo-libong mga Pilipinong nagtatrabaho doon ay nais na umalis. At ang mga masuwerteng nakaalis at mapalad na nakauwi sa Pilipinas ay dahil umano sa tulong ng kanilang mga employer sa Libya.


Sigurado ako ang gobyerno natin ay ginagawa ang lahat para matulungan ang mga Pilipinong naiwan pa roon, pero napag-isip-isip ko lamang na, bakit kaya ball caps lang ang ipinagsalubong sa mga nakauwi sa NAIA kahapon? 


Wala ba silang bottled water man lang, o sandwich? O sana banana-cue


Sigurado ako na ang mga OFWs na dumating ay nagbayad ng US$25 membership fees bago sila na deploy sa Libya. Siguro ang halaga ng mga ball caps na iyon ay katumbas ng membership fees nila.


Paano kaya kung ang mga OFWs dito sa South Korea ay ipinag-evacuate at pinauwi rin? Bibigyan din ba ako ng ball cap pag-landing ko as NAIA?


Hay naku, OWWA.  Ball caps at bulok na serbisyo ba ang kapalit ng membership fees namin?


Talagang, hay naku!


Ipagdasal natin na ang ating mga kapwa Pilipino na nasa Libya ay ligtas, at sana ang gulo doon ay matapos na para maipagpatuloy nila ang kanilang paghahanap-buhay.  At sana sa mga gustong makauwi ay makauwi ng ligtas at sa lalong madaling panahon.


Samantala, ako ay natatanong:


Sino ba ang mga mokong na nagpapatakbo sa OWWA?

No comments:

Post a Comment