Monday, 6 May 2013

To All Pinoys In Korea: Bumoto Po Tayo!

Isang linggo na lang po, on May 13, 2013, is the last day for the overseas absentee voting. 

 Kaya, let's exercise our right of suffrage by going to the Philippine Embassy in Seoul and cast our ballots. 

For directions to the Philippine Embassy in Seoul:

http://www.philembassy-seoul.com/about_us.asp

 Huwag po nating kalimutan magdala ng passport or alien card for identification, at pumunta lang po tayo sa SECOND FLOOR of the Embassy, kung saan nandoon ang voting center.

 Open po sila as early as 9AM, and even this weekend, May 11-12. I haven't actually voted yet as I am still firming up my list of choice senatoriables. 

Sa 33 senatorial bets, we need to choose 12, at the most. Pero kung isa lang, puede rin. Dalawa, puede rin, depende kung sino kanais-nais sa palagay niyo. Ako, pinag-iisipan ko pa yung mga pangalan na palagay ko makatulong sa pagsulong ng ating bansa, ng ating ekonomiya at mga reporma para sa mas matatag na bansa. Syempre, iniisip ko rin ang mga pangalan na sa palagay ko makatulong maglinis ng gobyerno para nawala o mabawasan ang corruption.

Sa 136 party list candidates, we only need to choose ONE.
 Kaya, kung nandoon rin kayo sa Sabado, Mayo 11, mga alas diyes ng umaga, baka magkita-kita tayo doon sa Philippine Embassy. Dadalhin ko ang aking alien card at siyempre, ang listahan ng mga bobotohin ko. Dadalhin ko rin ang aking camera, para magpa-picture habang bumoboto. :-)

No comments:

Post a Comment