Sunday, 1 September 2013

Sa Linggo ng Wika, Kare-Kare, Dinuguan At Iba Pa!

"Linggo Ng Wika' man o hindi, tuwing Linggo, ang mga Pinoy sa Seoul ay dumadayo sa Hyewha-dong para kumain, bumili at makipagsalamuha sa kapwa Pinoy. Ilang taong na rin akong pabalik-balik dito sa palengkeng Pinoy para kumain ng paborito kong kare-kare at dinuguan. Minsan nga ay nag-te-take-out pa ako ng turon o pancit para iuwi.
    (Ang daanan pagkalabas ng Exit 1 ng Hyewha Station)
Nguni't hindi naman tuwing Linggo ako pumupunta doon. Ayoko kasing napapakain ng madami at baka tumaba ako ng husto. Ha-ha-ha!  Yung kinakainan kong karinderya kasi ay merong 'unli rice'. 'Unlimited' na kanin ba naman! Para sa akin, hindi na yan kain. Lamon na yan! Ha-ha-ha!


Kaya, masaya na ako sa isang kanin, isang kare-kare, isang dinugan at adobong atay. Lahat na yan KRW5,000 lang. Mura na, busog na busog ka pa!
                            (Ang palengkeng Pinoy)
Pero ngayong Linggo ay iwas muna tayo sa lamon. Pero pag gusto ninyong pumunta doon at hindi pa ninyo alam kung papano, pinakamadali ay sumakay sa subway hanggang sa Hyewha Station ng Line 4. Lumabas sa Exit 1 at maglakad hanggang makakarinig kayo ng mga nagtatagalog or makikita ninyo ang mga kapwa Pinoy. Ibig sabihin malapit na diyan ang palengkeng Pinoy. 


At kung gusto ninyong mas tahimik na kainan, sa lampas ng palengke, tumawid ng pedestrian lane. Doon sa kabila, sa tabi ng Police Station, merong eskinita kung saan merong mga karinderyang pinoy. 
                   (Kumaliwa pagkatapos ng Police Station)
Paalala lang, bukas lang sila tuwing Linggo. At tuwing Linggong tanghali, punong-puno ang mga ito. Kaya ako, dumadayo lang ako doon paglampas ng ala-una ng hapon para wala masyadong tao, at maka-upo ako ng husto para malasahan ko ng husto ang aking....


....kare-kare, dinuguan at iba pa! 

(Iba't ibang paninda.)
                (Kare-kare, dinuguan at adobong atay. Bow.)

No comments:

Post a Comment