Friday 25 March 2016
To Philippine Politicians: Huwag Magnakaw!
Ngayong semana santa, ang isa sa mga hinihiling ko sa mga opisyales nating naka-upo at sa mga gustong umupo ay 'huwag magnakaw'.
Pero, sa palagay ko, huli na ako sa paghiling ko kasi yung mga naka-upo ngayon at yung mga nag-retire na ay yumaman na at lalo pang yumayaman!
Hay, naku. Kelan pa ba tayo magbabago? Sana ang i-halal natin ay yung tapat sa serbisyo at hindi yung mga kawatan na yan.
Siguro, kung puede natin ipako sa cruz yung mga kawatan sa gobyerno ay kukulangin tayo sa kahoy at pako. Ha-ha-ha!
Kaya, isama na lang natin sa dasal ngayong semana santa ay sana magising yung mga bobotante at ihalal ang matapat sa serbisyo publiko at totoong magaling sa paglilingkod sa bayan, at hindi yung magaling magnakaw.
Good luck, Pilipinas!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ginoo pagpugayan po kayo sa wikang Filipino na inyong ginamit sa iskripto sa itaas. Ngunit, ang salita bang"bobotante" ay pagkakamaling taypograpiko o sadyang iyong inilahad? (ahaha) Sa ganang akin, Pagpalain ng Diyos ang bansang Pilipinas.
ReplyDelete