Kagagaling ko lang kanina sa Philippine embassy dito sa Seoul, South Korea, para bumuto sa Overseas Absentee Voting para sa 2016 national elections.
Para sa akin, madali lang ang pagpili kung sino ang iboboto ko. Alam na natin ang mga katiwalian at naglabasan na rin ang mga totoong kulay at pagkatao ng mga tumatakbong presidente at bise-presidente ng Pilipinas.
Alam na natin ang history ng katiwalian ni Binay. Ang buong pamilya niya yata ay ginawang negosyo ang kaban ng bayan.
Wala rin akong tiwala kay Grace Poe. Kung ipinagpalit niya ang pagiging Pilipino para maging American citizen, puede niyang ipagpalit ang Pilipinas uli.
Si Duterte naman ay isang loose cannon. Sa kanyang 'rape comments' at sa gusto niyang pagputol ng diplomatic relations sa US at Australia, tila yatang hindi niya alam na kailangan ng Pilipinas ang mga allies at alliances. At nahihirapan akong paniwalaan ang kanyang mga pangako. Tila yata lahat nang sinasabi niya ay kung ano ang gustong marinig ng mga tao. Hindi ako kumbinsido.
Si Miriam naman ay may sakit. Kaya 'get well soon' na lang sa kanya.
At sa lahat sa kanila, inilalagay ko ang tiwala ko kay Mar Roxas at Leni Robredo. Kung ikaw ay OFW or nakatira sa ibang bansa, ipagtitiwala mo ba ang bayan mo sa isang kawatan, isang sira-ulo, o sa isang americanang walang eksperiyensiya?
(Philippine Embassy in Seoul, South Korea)
May tiwala ako kay Mar at Leni na maipagpatuloy nila ang pag-unlad ng Pilipinas. Alam ko na marami pang dapat gawin para lumago ang ekonomiya ng bansa at masupil ang korapsyon sa gobyerno.
May tiwala ako na sa presidency ni Mar Roxas, mananatiling mataas ang confidence ng mga international investors sa Pilipinas, at lalong maipagpatibay ang 'peace and order' sa bansa.
Kaya habang nasa malayong lugar ako, ipinagtitiwala ko ang bayan kay Mar Roxas at Leni Robredo.
Sana kayo rin.
No comments:
Post a Comment